Official Man Flirt Anthem

Monday, January 2, 2012

Paano ba masisimulan ang ibinibidang KALANDIAN?

Ito ang katanungan ng karamihan sa ating mga lalaki, kadalasan sa mga may pagkukulang  o kawalan ng bilib sa sarili. Mas maayon kung hindi ipipilit ilabas ang natatanging landi kung biktima ka ng nasabing negatibong aspeto. Walang mabuting resulta ang kilos kapag ito ay pilit at malamang mapahiya ka pa hanggang maburat ka na sa iyong sarili.

Siguraduhin muna na poging pogi ang tingin sa sarili at pakiramdam bago isagawa ang AKTO*. Hindi naman kinakailangan magandang lalaki talaga sa paningin ng ibang tao kundi ang pagkamit ng kabuuang tiwala sa sarili. Dito na pumapasok ang mga nasasabi nating “sayang”, “kawawa ka naman teh!”, “answerte ng ulol na boypren  nun”, “pera lang habol nung babae”, at kung anu ano pang kaampalayahan na lumalabas sa bibig nating karamihan kapag nakakakita tayo ng mayumi, maganda, o kalibog libog na binibini na may kasamang malahalimaw na nobyo habang nakasalubong nating naglalakad. 

Marahil may katotohanan yung ibinabanggit ng iba na pera nga lamang talaga ang habol ng hitad na babae ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. Marami akong nakikilala, at nakakasigurado ako na mas marami pa ang hindi ko kilala na ganun ang sistema ng kanilang relasyon. Ikinagulat ko na  ilan sa mga nabanggit na magsing-irog ay ang babae pa ang gumagastos at gumagawa ng paraan upang magkasama, mag-date, at ang pinakamasaklap sa lahat ay magka-daupang ari pa ang mga talipandas na ito. Madalas may mga pagkakataong nangyayari ang mga ganuong bagay sa kadahilanang malakas ang FIGHTING SPIRIT ng pangit/panget* na lalaki, at buo ang tiwala at bilib sa sarili. Yung ibang dahilan eh sadyang trip na lamang ng ibang babae na mag-alaga ng pet na tao. (Hindi kita pinapatamaan dito Mela, pero salamat na rin sa suhestyon lol!)

Kapag pangit/panget kasi ang pakiramdam sa sarili ay maaring mas karimarimarim pa ang magiging impression ng ibang tao lalo na kung isasagawa ang AKTO.  Laging tandaan na wala ng iba pang mas magmamahal at tutulong sa’yo kundi ang sarili mo. Magingat lamang sa sobrang pagmamahal sa sarili sapagkat maaaring maging puro ikaw na lamang ang iyong iniintindi at hindi mo napapansin na unti-unti ka nang nagiging "matikas".  Isagawa ang plano sa swabeng pamamaraan. Maaari ring gumawa ng listahan ng ninanais na makamtan at limitasyon upang maiwasan ang hindi balanseng kilos sa hinaharap.

Pag naisakatuparan na ng tama ang mga nasabing bagay sa mga naunang talata ay malaki ang magiging posibilidad na sumunod na ang natural na swabeng kilos na magbibigay pansin ng ibang tao sa’yo. Dito mo na ngayon isasagawa ang pinakarason kung bakit mo binabasa ang Blog na ito . . .  ANG KALANDIAN MOVEMENT.








*pangit – masagwa ang itsura ngunit kaya pang iimprove
*panget – wala ng kapag-a-pagasa. Ipagdasal na lamang ang itsura sa maykapal (courtesy of "PABORITONG TAO")
*AKTO – Pagsasagawa ng KALANDIAN



4 comments:

  1. Hmmmm, nakakapukaw naman ng isipan ang mga nakasaad dito.

    ReplyDelete
  2. hahaha. salamat. ako nga inaantok habang binabasa e,siguro kasi 25 times ko na binabasa paulit ulit bago ipost :D :D :D

    ReplyDelete
  3. hahahaha mahirap talaga pag nabuburyong noh....:D :D :D :D :D

    pero swak ha! :D :D :D :D

    NGHES HU?!

    ReplyDelete
  4. hahaha. sasawa ko sa kauratan ni bhenjoy kaya eto na lang muna trip ko :D :D :D

    ReplyDelete