Official Man Flirt Anthem

Sunday, January 1, 2012

BAKIT KAILANGAN NG MGA LALAKI ANG LANDI?


Simple, dahil ang mga babae ay may landi rin, nakatago man o lantaran, lahat yan may landing pinanghahawakan sa sarili. Hindi naman ibig sabihin ng pagninilandi ng lalaki ay yung tipong kendeng kendeng o bakla baklaan. Ang simpleng titigan sabay kapirasong ngiti o isang kindat sa isang babaeng nagugustuhan ay senyales na ng paglalandi.

Karamihan sa mga nakasalamuha kong kababaihan ay mahilig sa ganitong gawain. Kahit gaano pa kamaskulado o katigas ang lalaki ay kinakailangan ding pagbigyan ang hilig ng mga babae pagdating sa paglalandi. Nakakatawa na nakakaawa ang ibang mga lalaki na talagang pinaninindigan ang pagkalalaki nila kuno at talagang ang bisyo ay ang babae pa ang mag-adjust para sa kanila at hindi uso ang FLIRTING STYLE sa kanilang bokabularyo. Tawagin na lamang natin silang “matitikas” para sa mga susunod na pangungusap at talata

Sa maniwala kayo at hindi, ang ganitong klaseng relasyon madalas natataihan sa ulo ang mga “matitikas”. Ang mga kababaihan, kahit syota pa ni Undertaker yan ay naghahanap din ng hitad na gawain sapagkat ganito ang natural na pagkakagawa sa kanila. Umuubra man ang pagiging “matikas” ng mga “matitikas”, ito ay sa kadahilanang astigin ang dating nila, status symbol baga ng mga kababaihan. Ngunit mas malaki ang porsyento na kumakana rin ang mga syota nila sa iba na nakakapagbigay sa kanila ng kilig at nakakapagpuno ng kanilang pang HITAD NA PANTASYA.  

Hindi natin nilalahat ngunit base sa sariling karanasan, gumagana ang panlalaking kalandian sa mga babaeng nabanggit sa huling talata. Basketball player, rider ng motor, executive sa opisina, estudyante, at pati na rin ang mga Big Time Gangster na klase ng “matitikas” ay nakadaupang palad na ng inyong lingkod ang kanilang mga karelasyon. Kung ang dating natin ay simpleng mamamayan lamang na makikita mong naglalakad sa kung san man sa araw araw ay hindi ito nagiging balakid upang makabingwit ng kahit anong klaseng babae, mapa dyosa man ang kagandahan ng karakas at katawan o malademonyo sa kapangitan kung yun ang trip nyo. Basta dapat alamin kung papaano magbitaw ng tamang salita at tamang lebel ng paglandi na nakadepende sa personalidad ng babae kasabay ng swabeng pagdadala sa sarili. 

Kung papano isagawa at isukat ang lebel ng pagninilandi na kakabanggit lamang, ito ay dapat abangan sa mga susunod kong paskil. Magbibigay ako ng mga gabay at palatandaan na MAAARING MAKATULONG sa mga lalaking sabik ihain ang kalandian sa ibang kasarian.



Bating Panimula

Gandang Alon mga chong!!! Malamang maraming magiisip na kabaklaan ang nilalaman nito. Pakibasa na lamang ang DISCLAIMER sa huling parte ng pahina upang maintindihan ng mabuti ang kabuluhan nitong pinagagagawa ko . 

Ang inyong lingkod ay galing sa isang makamundong komunidad na talaga namang naglipana ang mga hayok at mala animal na makamundong pagnanasa ng mga kalalakihan. GMs kung tawagin (Gentle Manyak) ang mga hinayupak na brusko. Duon ay napakarami rin kababaihan. Hindi kompetisyon ang umiikot sa komunidad na yun kundi kapangyarihan ng salapi. Nagkataon lamang na nakikikulit tayo dun at nakikibwiset, at kung minsan nama'y nakakajackpot din pagdating sa mga bebot.


Ang sikreto? Pakikipaglandian. . .

Maraming nagagawa ang paglalandi. Hindi lamang sa pang-akit o pang-“score” ng mga babae ang nagagawa nito sa pang araw araw. Nakakatulong din ito sa paghahanap-buhay, paghahanap ng trabaho, pangungutang sa tindahan, pampalibre sa inuman sa kakilala, at kung saan saan pa kaya huwag binabalewala ang LANDI SKILLS mo. 

Wag asahang purong kaseryosohan ang nilalaman nito dahil ang buhay ay di palaging ganun. Mas maraming madidiskubre tungkol sa sarili kapag pinapalawak ang karanasan sa iba’t ibang bagay at pinagaaralang mabuti ang kaganapan ng nakaraan lalo na sa larangan ng paglalandi. Ang mga ito ay pipilitin nating ilahad lahat sa unti-unting pamamaraan.
Magnilandi, magpakasaya at magpakarami ng parang wala ng bukas na magaganap. Kung meron man, ulit ulitin lamang hanggang sa dumating na ang katapusan ng buhay.  

DISCLAIMER: Hindi ito pambaklaan. Walang nilalaman ang dokumento na nakatalaga para sa mga bakla. Mga tunay na lalaki ang target dito na may potensyal lumandi sa mga tunay na babae ngunit hindi maisagawa sa napakaraming kadahilanan o dili nama'y mga kababaihan na nais makakuha ng ideya kung ano na ang mga nangyayari sa kanila.  

Hindi kami sexist, sadyang walang lugar lamang ang mga silahis at bakla dito kaya wag ilihis ang tunay na kabuluhan.

Hindi rin nito ipino-promote ang pagiging taksil sa asawa, kalaguyo, o sa mismong kalandian. Kaya wag kayong magulo bwahahahahah!!!