Sa pagsasawagawa ng landi sa mga kababaihang mahirap basahin ang nilalaman ng kaisipan at kilos o ang tinatawag nating mapagpanggap, suplada, pakipot, hard-to-get, o kahit na hindi interesado ay hindi kinakailagang gawin ng lantaran ang pinaplanong AKTO. Tawagin na lamang natin silang KEPS sa mga susunod na talata at artikulo. Tandaan lamang na ang mga KEPS ay hindi masyadong tinatablan ng mga papuri/papuring landi sapagkat para na nila itong pagkain sa araw araw. Hindi lamang ikaw ang lalaki sa mundo na nakakapansin sa nagugustuhang KEPS. Kinakailangan mong gumamit ng mga tao, bagay, o pangyayari upang maisagawa ang kalandian sa mga ito.
Ang mas swabeng maaaring ikilos sa mga KEPS ay ang pagiging DISCREET at mahinahon. Malaki ang porsyentong matagumpay na makukuha ang inaasam asam na KEPS* kapag nakita nito ang potensyal at karisma ng hindi ipinapahalata. Komplikadong kompronahin ang isang KEPS kapag ito ay nagiisa. Mas madali pa kung may kasamang ibang mga kaibigang babae na tipong nabanggit natin sa nakaraang artikulo ang isang KEPS. Mas maganda di hamak kung may pambati kang naiisip na magiging interesante para sa isang KEPS, o tila ang pakikipagsalamuha mo sa tao ay maihahambing sa mga ahente ng insurance company na naglipana sa SM at lahat ng mga dumaadaan sa mga hinayupak ay binabati at sinisigawan na parang kapitbahay lamang na iniiimbitahan sa binyag ng kanilang mga anak.
Ang pinakamadaling paraan bago isagawa ang landi kapag nagiisa ang KEPS ay ang sabayan sa kasalukuyang aktibidades na pinagkakaabalahan nito. Halimbawa, kung ang isang KEPS ay namataan sa isang silid-aklatan at ito ay naghahanap ng mababasang pangkaalaman, kung ikaw ay mahilig ding magbasa basa at may alam sa nasabing gawain, ito na ang pagkakataong hinihintay para mai-target at malandi ang isang KEPS. Magtanong ng kanyang opinyon tungkol sa mga bagay bagay na alam mong interesante para sa inyong dalawa, maglahad ng kwento na hindi aantukin ang isang KEPS, dagdagan ng kapirasong mga nakakatawang salita, saka isagawa ang simpleng kalandian. Maging alerto lamang sa mga binibitawang salita at sa kilos (basahin ang mga naunang artikulo tungkol sa pilit na kilos) sapagkat maaaring sumobra at maging katawa tawa ang sarili. Obserbahan ang reaksyon ng KEPS sa mga ikinikilos dahil kadalasan, ang sobrang bilib sa sarili ay nakakaligtaang pansinin ang mga kamaliang naisasagawa.
Sa mga KEPS naman na may kasamang mga kaibigang babae na katulad ng nasambit sa naunang talata ay kinakailangan ng matinding tiwala, bilib sa sarili at ilabas ang natural na karisma. Kapag isasagawa ang pakikipaglndian sa grupo ng kababaihan na may kasamang KEPS, iwasang ipalahata sa lahat, lalong lalo na sa KEPS ang tunay na layunin mo. Kinakailangang ilihis ng kaunti sa pamamagitan ng balanseng pakikisalamuha sa lahat ng myembro ng kanilang paksyon. Wag ituon ang buong atensyon sa KEPS sapagkat maaaring makakahalata na ito sa iyong hitad na inaasam asam at maaaring umiwas din sa kadahilanang ikaw ay may lihim na pinaplanong kanyang napupuna. Kung kakayanin ng sikmura, mas maayong ituon na lamang muna ang pakikipaglandian at pakikipagtawanan sa pinaka-pangit/panget na myembro at mapapansin mo di katagalan, na ang lahat ng atensyon nila ay nakatuon na sa’yo. Hindi naman dapat tinotodo ang paglalandi sa nasabing mala-undin na babae kundi kapiraso lamang din, upang makuha mo lamang ang atensyon ng lahat. Maging maloko ng kaunti at siguraduhing nakakaaliw at nakakatawa ang mga hirit para hindi sila maburyo sa kalokohang ginagawa mo. Kapag napapansin na komportable na ang KEPS na ika’y kumakalantari sa paligid nito ay simulan ng lapitan, kausapin, at landiin ito dahil ang takdang panahon para isagawa ang mga iyon ay dumating na. Ito ay mangyayari lamang kung hindi ka pa nya nauunahan sa paglapit at pagkausap sa’yo.
Masasabing ikaw ay mapalad at PINAGPALAng hitad kapag nangyari ang nasaad sa naunang pangungusap. Kaya pagaralang mabuti kung papaano mapapabuti ang pakikipagkomunikasyon at pakikisalamuha sa mga tao lalong lalo na sa iba’t ibang klaseng kababaihan. Huwag masyadong ituon ang utak sa kung papaano landiin ang isang KEPS sapagkat ito ay natural na magaganap kung gamay mo na ang mga prerequisite nito.
*KEPS- kay sarap banggitin ng paulit ulit ano po? :D
