Kay tagal na hindi nabigyang tugon ng inyong lingkod itong blog. Mejo iibahin lamang natin ang tema ng kaunti sapagkat aking napagtanto na maraming hindi magandang dulot ang paglalandi ng sobra (maniwala kayo, naranasan ko, mainit init pa...).
Maraming paraan ang pwedeng gawin upang makuha ang atensyon ng iyong target na KEPS. Sa paghingi ng suporta sa kakilala hanggang sa paglalakas ng loob kausapin ito ng direcho. Tandaan lamang na gawing simple ang AKTO at kung magpapapansin ay siguraduhing kayang dalhin at hindi magmumukhang parang tangang payaso na malakas ang loob sa una ngunit hindi naman kayang panindigan. Kung hindi ka funny, wag ipilit, pagaralang mabuti at kilalanin ang sarili para maiwasang mapahiya sa ikikilos. Tandaan, ang sobrang pagpapapansin ay PATHETIC.
Iwasan din ang sobrang pagyayabang sa kahit kanino, hindi lamang sa target sapagkat marami ang maaaring makakasira sayo sa ganitong walang kwentang aspeto. At isipin rin na bakit natin kailangang magbuhat ng sariling bangko? Ito ba ay para makita ng target kung ano ang nais mong paraan upang makilala? MALI! Mas maganda kung natural ang datingan ng atensyon ng ibang tao na makakamit.
Marami ang mga KEPS na umiiwas sa ganitong klase ng asal dahil karamihan sa sa kanila, kapag nakikipagkwentuhan ay nakatuon ang interes sa nakakatawa o nakakatuwang mga bagay na magbibigay aliw. Isa ring mahalagang bagay ay nararapat lamang na madalas nasa kanya ang focus ng conversation ninyo pero ikaw ang nagdadala nito. Imagine kung ikaw na ang nagdadala, at ikaw pa ang binibida mo, e mas maganda kausapin mo na lamang ang sarili sa harapan nya, baka sakaling maaliw pa ito ng konti at makapasok ka sa susunod na lebel. SYET!
Malaki ang posibilidad na mawalan ng gana ang KEPS sayo kapag ganito ang ipapairal, dahil baka hindi mo napapansin na mas marami pang interesanteng mga bagay na nangyayari sa kanya kumpara sa ipinagyayabang mo. Sa madaling salita, maaaring ang labas mo ay isa nanaman sa dinami dami na trying hard na nagpapapasikat sa kanyang paningin.
Magbukas ng mga topics na alam mong magpupukaw sa kanyang interes. Kung kinakailangang pagusapan ang tungkol sa trees, rainbows, and unicorn, pagtiisan na, kung talagang trip mong mapasakamay yung KEPS na hinahagad. Wag kalimutang maging natural pa rin ang datingan kahit ganun ka wirdo ang pinaguusapan ninyo. :)
Kung gagamit naman ng tinatawag na wingman, o kaibigang makakatulong sayo para sa KEPS ay siguraduhing hindi ka nito ilalaglag kung matitipuhan man nya ang iyong target na KEPS. NOT ADVISABLE, dahil hindi ako komportable sa ganito, para sakin mas lalaki tingnan kapag kumilos magisa saka na lamang ipapasok ang mga kaibigan sa sirkulasyon pag mejo naka diga na. Kumbaga, mas may dating kung unti unti mong pinapakilala ang sarili at pinapakita ang kung anong meron sa yong mundo, makulay man o mabaho ito, para kahit papano makakapag adjust ka rin at magkakaroon ng pagkakataong mapaghusay ang sarili kapag nalaman mong hindi makakatulong ang ibang mga bagay na hindi mo na dapat ginagawa at ipinagmamalaki pero nagagawa mo lamang dati sa dahilang ikaw ay wala pang inspirasyon at pakialam sa magiging tingin ng iba sa yo.
Maging totoo, kumilos ng natural, maging interesante, paghusayin at iwasan ang sobrang bilib sa sarili, at pinakaimportante sa lahat SELF CONFIDENCE and RESPECT . Yan ang magiging susi ng isang lalaki sa pagiging matagumpay na pagbingwit ng tinatarget na KEPS. Mapa LK (Libreng Kahalinghingan) o mapa seryoso ito.
