Official Man Flirt Anthem

Saturday, June 2, 2012

PARA-PARAAN!!!


Kay tagal na hindi nabigyang tugon ng inyong lingkod itong blog. Mejo iibahin lamang natin ang tema ng kaunti sapagkat aking napagtanto na maraming hindi magandang dulot ang paglalandi ng sobra (maniwala kayo, naranasan ko, mainit init pa...). 

Maraming paraan ang pwedeng gawin upang makuha ang atensyon ng iyong target na KEPS. Sa paghingi ng suporta sa kakilala hanggang sa paglalakas ng loob kausapin ito ng direcho. Tandaan lamang na gawing simple ang AKTO at kung magpapapansin ay siguraduhing kayang dalhin at hindi magmumukhang parang tangang payaso na malakas ang loob sa una ngunit hindi naman kayang panindigan. Kung hindi ka funny, wag ipilit, pagaralang mabuti at kilalanin ang sarili para maiwasang mapahiya sa ikikilos. Tandaan, ang sobrang pagpapapansin ay PATHETIC.

Iwasan din ang sobrang pagyayabang sa kahit kanino, hindi lamang sa target sapagkat marami ang maaaring makakasira sayo sa ganitong walang kwentang aspeto. At isipin rin  na bakit natin kailangang magbuhat ng sariling bangko? Ito ba ay para makita ng target kung ano ang nais mong paraan upang makilala? MALI! Mas maganda kung natural ang datingan ng atensyon ng ibang tao na makakamit.

Marami ang mga KEPS na umiiwas sa ganitong klase ng asal dahil karamihan sa sa kanila, kapag nakikipagkwentuhan ay nakatuon ang interes sa nakakatawa o nakakatuwang mga bagay na magbibigay aliw. Isa ring mahalagang bagay ay nararapat lamang na madalas nasa kanya ang focus ng conversation ninyo pero ikaw ang nagdadala nito. Imagine kung ikaw na ang nagdadala, at ikaw pa ang binibida mo, e mas maganda kausapin mo na lamang ang sarili sa harapan nya, baka sakaling maaliw pa ito ng konti at makapasok ka sa susunod na lebel. SYET!

Malaki ang posibilidad na mawalan ng gana ang KEPS sayo kapag ganito ang ipapairal, dahil baka hindi mo napapansin na mas marami pang interesanteng mga bagay na nangyayari sa kanya kumpara sa ipinagyayabang mo. Sa madaling salita, maaaring ang labas mo ay isa nanaman sa dinami dami na trying hard na nagpapapasikat sa kanyang paningin. 

Magbukas ng mga topics na alam mong magpupukaw sa kanyang interes. Kung kinakailangang pagusapan ang tungkol sa trees, rainbows, and unicorn, pagtiisan na, kung talagang trip mong mapasakamay yung KEPS na hinahagad. Wag kalimutang maging natural pa rin ang datingan kahit ganun ka wirdo ang pinaguusapan ninyo. :)

Kung gagamit naman ng tinatawag na wingman, o kaibigang makakatulong sayo para sa KEPS ay siguraduhing hindi ka nito ilalaglag kung matitipuhan man nya ang iyong target na KEPS. NOT ADVISABLE, dahil hindi ako komportable sa ganito, para sakin mas lalaki tingnan kapag kumilos magisa saka na lamang ipapasok ang mga kaibigan sa sirkulasyon pag mejo naka diga na. Kumbaga, mas may dating kung unti unti mong pinapakilala ang sarili at pinapakita ang kung anong meron sa yong mundo, makulay man o mabaho ito, para kahit papano makakapag adjust ka rin at magkakaroon ng pagkakataong mapaghusay ang sarili kapag nalaman mong hindi makakatulong ang ibang mga bagay na hindi mo na dapat ginagawa at ipinagmamalaki pero nagagawa mo lamang dati sa dahilang ikaw ay wala pang inspirasyon at pakialam sa magiging tingin ng iba sa yo. 

Maging totoo, kumilos ng natural, maging interesante, paghusayin at iwasan ang sobrang bilib sa sarili, at pinakaimportante sa lahat SELF CONFIDENCE and RESPECT . Yan ang magiging susi ng isang lalaki sa pagiging matagumpay na pagbingwit ng tinatarget na KEPS. Mapa LK (Libreng Kahalinghingan) o mapa seryoso ito.


Thursday, January 5, 2012

PARAAN UPANG ISAGAWA ANG MATAGUMPAY NA PAGLALANDI (PANGALAWANG BAHAGI)

Sa pagsasawagawa ng landi sa mga kababaihang mahirap basahin ang nilalaman ng kaisipan at kilos o ang tinatawag nating mapagpanggap, suplada, pakipot, hard-to-get, o kahit na hindi interesado ay hindi kinakailagang gawin ng lantaran ang pinaplanong AKTO. Tawagin na lamang natin silang KEPS sa mga susunod na talata at artikulo. Tandaan lamang na ang mga KEPS ay hindi masyadong tinatablan ng mga papuri/papuring landi sapagkat para na nila itong pagkain sa araw araw. Hindi lamang ikaw ang lalaki sa mundo na nakakapansin sa nagugustuhang KEPS. Kinakailangan mong gumamit ng mga tao, bagay, o pangyayari upang maisagawa ang kalandian sa mga ito. 


Ang mas swabeng maaaring ikilos sa mga KEPS ay ang pagiging DISCREET at mahinahon. Malaki ang porsyentong matagumpay na makukuha ang inaasam asam na KEPS* kapag nakita nito ang potensyal at karisma ng hindi ipinapahalata. Komplikadong kompronahin ang isang KEPS kapag ito ay nagiisa. Mas madali pa  kung may kasamang ibang mga kaibigang babae na tipong nabanggit natin sa nakaraang artikulo ang isang KEPS. Mas maganda di hamak kung may pambati kang naiisip na magiging interesante para sa isang KEPS, o tila ang pakikipagsalamuha mo sa tao ay maihahambing sa mga ahente ng insurance company na naglipana sa SM at lahat ng mga dumaadaan sa mga hinayupak ay binabati at sinisigawan na parang kapitbahay lamang na iniiimbitahan sa binyag ng kanilang mga anak.


Ang pinakamadaling paraan bago isagawa ang landi kapag nagiisa ang KEPS ay ang sabayan sa kasalukuyang aktibidades na pinagkakaabalahan nito. Halimbawa, kung ang isang KEPS ay namataan sa isang silid-aklatan at ito ay naghahanap ng mababasang pangkaalaman, kung ikaw ay mahilig ding magbasa basa at may alam sa nasabing gawain, ito na ang pagkakataong hinihintay para mai-target at malandi ang isang KEPS. Magtanong ng kanyang opinyon tungkol sa mga bagay bagay na alam mong interesante para sa inyong dalawa, maglahad ng kwento na hindi aantukin ang isang KEPS, dagdagan ng kapirasong mga nakakatawang salita, saka isagawa ang simpleng kalandian. Maging alerto lamang sa mga binibitawang salita at sa kilos (basahin ang mga naunang artikulo tungkol sa pilit na kilos) sapagkat maaaring sumobra at maging katawa tawa ang sarili. Obserbahan ang reaksyon ng KEPS sa mga ikinikilos dahil kadalasan, ang sobrang bilib sa sarili ay nakakaligtaang pansinin ang mga kamaliang naisasagawa. 


Sa mga KEPS naman na may kasamang mga kaibigang babae na katulad ng nasambit sa naunang talata ay kinakailangan ng matinding tiwala,  bilib sa sarili at ilabas ang natural na karisma. Kapag isasagawa ang pakikipaglndian sa grupo ng kababaihan na may kasamang KEPS, iwasang ipalahata sa lahat, lalong lalo na sa KEPS ang tunay na layunin mo. Kinakailangang ilihis ng kaunti sa pamamagitan ng balanseng pakikisalamuha sa  lahat ng myembro ng kanilang paksyon. Wag ituon ang buong atensyon sa KEPS sapagkat maaaring makakahalata na ito sa iyong hitad na inaasam asam at maaaring umiwas din sa kadahilanang ikaw ay may lihim na pinaplanong kanyang napupuna. Kung kakayanin ng sikmura, mas maayong ituon na lamang muna ang pakikipaglandian at pakikipagtawanan sa pinaka-pangit/panget na myembro at mapapansin mo di katagalan, na ang lahat ng atensyon nila ay nakatuon na sa’yo. Hindi naman dapat tinotodo ang paglalandi sa nasabing mala-undin na babae kundi kapiraso lamang din, upang makuha mo lamang ang atensyon ng lahat. Maging maloko ng kaunti at siguraduhing nakakaaliw at nakakatawa ang mga hirit para hindi sila maburyo sa kalokohang ginagawa mo. Kapag napapansin na komportable na ang KEPS na ika’y kumakalantari sa paligid nito ay simulan ng lapitan, kausapin, at landiin  ito dahil ang takdang panahon para isagawa ang mga iyon ay dumating na. Ito ay mangyayari lamang kung hindi ka pa nya nauunahan sa paglapit at pagkausap sa’yo.


Masasabing ikaw ay mapalad at PINAGPALAng hitad kapag nangyari ang nasaad sa naunang pangungusap. Kaya pagaralang mabuti kung papaano mapapabuti ang pakikipagkomunikasyon at pakikisalamuha sa mga tao lalong lalo na sa iba’t ibang klaseng kababaihan. Huwag masyadong ituon ang utak sa kung papaano landiin ang isang KEPS sapagkat ito ay natural na magaganap kung gamay mo na ang mga prerequisite nito.











*KEPS- kay sarap banggitin ng paulit ulit ano po? :D

Wednesday, January 4, 2012

PARAAN UPANG ISAGAWA ANG MATAGUMPAY NA PAGLALANDI (UNANG BAHAGI)

Marahil may iba sa ating karamihan ang hirap ilabas ang natatangingng kalandian sa ating sistema. Mayroon din naman na natural na lamang lumalabas yun na parang itinalagang ipinanganak para maghasik ng landi sa kamunduhan. Maraming dahilan kung bakit may ilan sa ating ang ganito. Kakulangan ng tiwala sa sarili, nahihiya sa sasabihin ng ibang mga kaibigan, may pinanghahawakang reputasyon na taliwas sa pagsasagawa ng AKTO, pilit na itinatago dahil kasama ang asawa at anak sa mall ngunit kating kati na landiin ang saleslady sa Tribal store, at marami pang iba.  

Ating nasaad na ang ilang bagay na bumabalakid upang maisagawa ang natatanging AKTO at ngayon ay ating babalitaktakin ang isa sa iba’t ibang paraan ng  pagsagawa na makakatulong upang maging matagumpay ang paglalandi. Ang simpleng paglandi . . .


Ang simpleng paglandi ay isa sa makapangyarihang paraan upang mahuli ang kiliti ng isang babae, lalo na kung ito ay tipong pakipot o sadyang hindi pa rin lumalaganap ang kalandian sa sarili. Ito ay mabisa sapagkat ang karamihan sa mga babae ay nahihita sa pamamagitan ng unti unting pagkuha ng loob at tiwala at kung saka sakali mang hindi uubra ang landi powers sa nagugustuhang bebot dahil  hindi ka nito tipo o kasulasulasok talaga ang dating mo dito ay maaaring huminto na sa progresong nakamit na hindi kahiya hiya masyado.


Ilan sa mga paraan ng simpleng paglandi ay ang pagsagawa ng SIMPLENG pagbigkas ng mga bagay na alam mong ikatutuwa at ikararamdam na kagandahan ang tipo mong babae. Sa paraan na ito, kahit anong lebel pa ng kapangitan ng babae ngunit talagang nais mong maging kasintahan o simpleng kasta lamang ang habol ay may tsansa na bibigay at bibigay yan sapagkat hindi nito kadalasang naririnig at hindi rin masyadong nakakatanggap ng ganitong klaseng mga salitang makalaglag salawal. Laging tandaan na dapat SIMPLE ang pagbitaw, dagdagan ng kapirasong katatawanan, at iwasan ang paulit ulit na salitang ginagamit sa pagpuri dahil may posibilidad na tumaas ang ere ng utak at matuto na ring lumandi rin sa iba sapagkat masyado mo nang napaniwala ang deputa na sya na ang nararapat na susunod na top model ni Bambi Fuentes. Mas maayon kung gagawing medyo personal ang pagpuring landi para hindi nito maisip na ganuon din ang tingin sa kanya ng ibang lalaki. Ilang mga halimbawa na maaaring sabihin ay iba ang lakas ng dating nya sayo ,nabighani ka hindi lamang dahil sa laki at tayo ang kanyang mga dede kundi napakaganda at mala anghel ang kanyang mga ngiti, sa pangingin mo ay napakainit ng kanyang dating at tuwing nakikita mo ay gusto mong yapusin ng sampung minuto, at kung anu ano pang napapansing  magandang aspeto na TOTOO patungkol sa babaeng natitipuhan. Iwasan din ang pagsabi ng mga bagay na alam nya sa sarili na kahit sa panaginip ay nuknukan pa rin ng kasinungalingan. Kung alam mong makapal at tila malabalat ng Iguana ang kanyang mga labi dahil naaagnas na ay hindi tamang sabihin na gusto mong matikman ang kanyang  matamis na halik. Malamang sampal ang aabutin mong hinayupak ka.  


Hindi natin isinasaad ang pambobola dito, kumbaga sinosobrahan lang natin ng KAUNTI ang mga bagay na alam nating magandang aspeto ng babae na talaga naming ikatutuwa nya. Huwag ding kalimutang dagdagan ng kaunting katatawanan at matamis na ngiti ang pagbitaw ng mga salita para hindi ka magmukhang tanga. Ang pagsasagawa ng landi ay kinakailangan ng saya at buhay. Iba ang paglalandi sa panliligaw at pambobola kaya iwasang pag-isahin ang mga ito.


Kung ating napapansin, ang mga nasabi sa mga unang talata ay ang ilang mga gabay para landiin ang mga normal at hindi kagandahang mga dilag/may asawa/ hiwalay sa asawa/o walang mga asawa na tipo ng kababaihan. Maaari ring gumana ang mga natalakay sa mga magaganda at kalibog libog na mga kababaihan, depende na lamang sa kanilang lebel ng kalandian. Ating inuna ito sapagkat ito ang pinakaramarami at pinaka-simple sa lahat. Kapag hindi pa umubra ang mga nasabing gabay ay kalimutan mo na ang babaeng yun. Pinupuring landi na nga, mapili pa ang talipandas. Susunod nating tatalakayin ang paglandi naman sa mga mala dyosa na mahirap landiin at maaari pang ikapahiya ng sarili kung isasagawa ang landi ng walang kaalam alam sa larangan at hindi nagabayan ng naaayon sa lebel ng kalandian nito.